Wikang Filipino sa taong 2021 sa Opinyon ni Cadet Gabito

 

ANG KALAGAYAN NG WIKA SA
MODERNONG PANAHON


Bilang pag selebrasyon sa nalalapit na Buwan ng Wika ngayong Agosto, 2021 nais kong ibahagi ang aking naisulat na Blog para ipagdiwang ang nalalapit na araw ng ating mahal na Wika. Itong personal Blog ko na to ay naglalayong ipagyaman at ipagmalaki ang ating wikang nakagisnan hindi lamang sa loob ng Pilipinas pati narin sa labas ng bansa. Tayo ay Pilipino sa ating mga Pilipino nakasalalay ang mukha ng ating wika, tayo lang ang magdadala nito sa pagiging wikang Intelekwalisado nito. Kaya hali nat magsama-sama at ipagmalaki ang wikang ating kiangisnan.



Wika, napaiisip nyoba minsan kung kamusta na at ano na ang kalagayan ng ating wika lalo na sa modernong panahon? ang ating mga kabataan na mas nahihilig na sa Social Media. Mga cellphone, Laptop, tablet at kung ano ano pang gadget. Sa modernong panahon diyan na umiikot ang panahon ng mga kabataan. Naiisip nyo ba sa modernong panahon ngayon kung ano na ang kalagayan ng wikang pinagmalaki ng ating mga bayani noon?, pinagmamalaki parin ba natin ngayon? Batay sa aking pag oobserba sa aking mga paligid masasabi ko na ang kalagayan ng wikang Filipino sa Modernong panahon ay maganda parin sa kadahilanang sa panahon ngayon malaki ang naittutulong ang mga teknolohiya sa pag palaganap at pag papalawak ng ating kaalaman, nabibigyan nito ng buhay o nabibigyan bihis muli ang wika nang ating nakagisnan, na nasasabi nating namatay na pero ngayon muling naririnig at nabibigyan na ng magandang pakahulugan.


Bilang mamayan ng Pilipinas at tagatangkilik ng wikang Filipino nais kong sabihin na ang wikang Filipino ay hindi pa namamatay, sapagkat ito'y atin pang winiwika. napakalaking tulong nga yung ginagawa ng ating departamento sa edukasyon dahil pinapalawak nila at binibigyang buhay  ang ating wika gaya ng pagpalawak ng kaalaman ng mga kabataan sa Mother Tounge at pagtuturo ng subject na Filipino sa Kolehiyo. Na nagiging dahilan para magkaroon ng malalim na approach ang mga kabataan sa pag-aaral ng wikang Filipino.  dahil hindi lamang iisang anyo ang wikang Filipino, ito ay marami sa ibat ibagn Rehiyon, sa ibat ibang kultura ng sang kapuluan ng Pilipinas. Ika nga ni Ginoong Reyes "Ang wika ay parang iisang katawan na binubuo ng ibat ibang parte, at kung mawawala man yung isang parte mapipilay ang katawan. 


Artikulo XIV, Seksyon 6 inilagda ng pamahalaan na wikang Filipino ang magiging wikang pambansa. Ayon pa sa Artikulo, alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang edukasyon. Ngunit kung ating titingnan hindi maikakaila na mula noon at hanggang ngayon, wikang Englis ang pinakamadalas na wikang ginagamit sa pagtuturo ng ibat ibang asignatura at karamihan pa nga sa mga estudyante nais nang tanggalin ang wikang Filipino, sa kadahilanang hindi naman daw ito kailangan sa kanilang piniling trabaho sa hinaharap tulad nalang ng mga magtatrabaho sa ibang bansa. Ngunit kung ating mamarapatin ay hindi naman ito makatarungan sa ating wika lalo na sa mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay para maging malaya ang Pilipinas sa mga banyaga. Dahil ang bansang may sariling wika ay nangangahulugang ito ay bansang malaya, kaya ganon nalang saakin na masamang pakinggan na tanggalin ang wikang Filipino sa asignatura sa Kolehiyo. Sabi pa nga ni Pangulong Ramos, "Ang wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa", kaya dapat bigyan natin ng halaga ang ating wika, at kahit sa kaunting units na meron ito sa Kolehiyo ay malaking tulong na ito para makamit nating mga Pilipino ang nais natin na maging wikang Intelekwalisado ang wikang Filipino.


Bilang Selebrasyon sa darating na Buwan ng Wika nais kong ihandog ang Poster na aking ginawa na nakaayon sa themang 

"Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino 

Luzon, Visayas pati narin ang Mindanao

Tatlong isla sa Pilipinas na ating matatanaw

Tuwing agusto ay nagsisihiyaw

Sa selebrasyon ng buwan ng wika napapasigaw

 

Bawat pulo ay may natatanging historya at wika,

Magsasama at kilalanin pa ang mahal nating bansa

Wikang katutubo at sa dekolonisasyon ng ating pag-iisip

Pag-iralin ang yamang wika na sa ating sumasa-isip

 

Dumayo tayo sa Kalusunan,

Na kung saan may Tagalog at Kapampangan

Sili ang hilig ng mga Bicolano,

At sa Ilocos naman ang mga Ilocano

 

Sa Kabisayaan tayo ay dumayo,

Ang may pinakamalaking pangkat etniko,

Wikang Sebwano ang pinaka sinasalita rito,

Kasunod ang Hiligaynon ng mag Ilonggo

 

Kamindanawan na sikat sa mga durian

Bisayang wika ang kanilang kinagisnan

Malayo man sa Luzon at Kabisayaan

Sila ay hindi pinapabayaan

 

Ibat ibang dayalekto ng tatlong Pulo

Sa Wikang Filipino nagtatagpo

Nag uugnay nag bubuklod

Para sa kalayaang kanilang nais matamo, 


Yun lamang po ang  aking kaunting Tula sana ay nagustuhan niyo. Ating ipagmalaki ang wikang Filipino sapagkat ito ang wikang nag sisilbing pagkakilanlan ng ating lahi. Madami nang mga bayani ang nakipaglaban at namatay para sa kalayaan na ating nakamit kaya dapat nating ipagmalaki ang kanilang pagkapanalo sa paraang tangkilikin at patuloy na bigyang halaga ang wika at tayo ay mag ka isa para sa iisang dalangin at mithi natin na sa hinaharap maging ganap na wikang Intelekwalisado ang wikang Filipino. Maraming salamat sa pagbabasa ng aking Blog yun lamang po nagtatapos kadet Gabito.




Para malaman ang mga tungkol saakin, pindutin lamang ang link na ito:
https://mmmacadetgabitoblog.blogspot.com/2021/07/wikang-filipino-sa-taong-2021-sa.html

Kung nais mo panoorin ang aking ginawang Sopken Word Poetry na may pamagat na Wika at ang Kanyang Diwa Spoken Word Poetry by Cadet Gabito heto ang link:
https://youtu.be/67nrwxI00E4

Kung nais monaman ay sumoporta at ipagtanggol ang ating Wika narito ang Facebook Page na pwede mong puntahan

Lenggwahila "Tagapagtanggol ng WIKA"

https://www.facebook.com/Lenggwahila-Tagapagtanggol-ng-WIKA-101789368905746






Comments